Posible na tumaas ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo matapos ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng rice importation sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1, 2025.
Batay sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement lead convenor Rowena Sadicon, inaasahan ang dagdag-presyo ng P1 hanggang P2 kada kilo sa retail rice bunsod ng pagtaas rin ng presyo ng palay ng mga magsasaka.
Inihayag ng Malacañang na ang suspensyon ang nakabatay sa rekomendasyon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Samantala, tinuligsa ng Federation of Free Farmers ang mabagal na aksyon ng pamhalaan para sa proteksyon ng lokal na magsasaka, kun saan may ilan ang nalubog na sa utang at nagdadalawang-isis kung magtatanim pa.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority noong Hulyo 2025, ang average na presyo ng regular milled rice ang nasa P41.31 kada kilo mula sa P50.90 noong Hulyo 2024; well-milled rice, P47.60 mula sa P55.85; at special rice, P56.83 mula sa P64.42 kada kilo.
Bagama’t bumaba ang presyo nito ng mga nakaraang buwan dahil sa base effects at mas mababang import tariff, may posibilidad na magbago ang trend sa oras na nag-umpisa na ang suspensyon ng importasyon.