-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa 63 katao ang nasawi sa pinsalang dulot ng malakas na bagyo sa lalawigan ng Punjab sa Pakistan.

Ayon sa National Disaster Management Authority, 290 iba pa ang nasugatan sa mahigit 24 na oras na patuloy na pag-ulan.

Ang lungsod ng Rawalpindi; isang kalapit na lugar ng Islamabad, idineklara na suspendido ang mga paaralan at opisina.

Ang pag-apaw ng ilog ay nagdulot ng matinding pagbaha dahil sa pag-ulan.

Maraming mga flight din ang nakansela at ilang mga kalsada ang isinara dahil sa pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang rescue operations ng mga awtoridad sa mga binahang lugar.

Mula noong Hunyo, 180 katao ang namatay bilang resulta ng pag-ulan, kalahati sa kanila ay mga bata.