-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Nagapakig-angut na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa New Zealand para sa visa issuance sang utod sang isa ka Ilonggo nurse nga nalumos kag napatay

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa New Zealand para sa visa issuance ng kapatid ng isang Ilonggo nurse na nalunod at namatay sa kalagitnaan ng kanilang outing sa Whangarei, New Zealand.

Sa ngayon ay nananatili sa Auckland Funeral Services ang bangkay ni Kenny Cordova Espinosa, 26 taong gulang, at hinihintay na lamang ang pagdating ng kaniyang girlfriend at kapatid para sa cremation sa kaniyang bangkay.

Nabatid na Enero 11, 2019 nang nagkayayaan sina Espinosa at kaniyang mga katrabaho na mag-roadtrip sa Whangarei para sa kanilang summer outing.

Kasunod ng kanilang pagbisita sa Mermaid Pool sa Matapouri, pinuntahan rin nila ang Whangarei falls na isa sa pinakatanyag na tourist attraction sa New Zealand.

-- ADVERTISEMENT --

Dito at nangyari ang kalunos-lunos na trahedya kung saan nakita na lamang ng kaniyang mga kaibigan si Espinosa na hirap sa paglalangoy at unti-unting nalulunod.

Sa isinagawang search and rescue operations ng Wellington Rescue Divers, na-retrieve ang bangkay ni Espinosa kinaumagahan na ng Enero 12.