-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Humingi na ng tulong sa mga otoridad si Capiz Gov. Antonio del Rosario upang masugpo ang grupo na nasa likod ng pagpapakalat ng mga posters na nananawagan na ma-impeach si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa gobernador, hindi nararapat ang pagpapakalat ng nasabing mga posters sa lungsod ng Roxas at hinimok rin niya ang mga barangay officials na tumulong sa pagsugpo ng nasabing gawain.

Si Del Rosario ay kaalyado rin ni Robredo na pawang mga kasapi ng Liberal Party.

Sinabi pa ni Del Rosario na ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na mag-impeach, at wala rin naman aniya siyang nakitang dahilan upang ma-impeach si Robredo.

Mapag-alamang naging paksa rin kamakailan lang ng privilege speech sa sesyon ng Roxas City Council ng kaalyadong city councilor ni Robredo ang pagkalat ng nasabing mga posters.

-- ADVERTISEMENT --

Ang lalawigan ng Capiz ay sinasabing teritoryo ng Liberal Party na ang naging standard bearer noong nakaraang presidential elections ay si dating Interior Secretary Mar Roxas.