-- ADVERTISEMENT --

Sinagot ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pahayag ni Dr. Wu Shicun ng China’s National Institute for South China Sea Studies (NISCSS) na umano’y “walang bisa” ang 2016 desisyon tungkol sa South China Sea.

Ayon kay Carpio, nang sumali ang China sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), pumayag na ito sa proseso ng arbitration o pag-aayos ng sigalot sa pamamagitan ng korte.

“By joining UNCLOS, China consented to arbitration, and the tribunal could decide its own jurisdiction,” paliwanag ni Carpio.

Dagdag pa niya, sa position paper mismo ng China ay binanggit nila ang tatlong kasunduan na naglalarawan sa teritoryo ng Pilipinas.

“China gave its consent in advance,” dagdag pa ni Carpio.

-- ADVERTISEMENT --