ROXAS CITY – Nakahandang magrekomenda ng mga uupong barangay officials sa lalawigan ng Capiz ang grupong Hugpong Federal Movement.
Ito ang pahayag ni Engr. Francis Lim, presidente ng Hugpong Federal Movement sa lalawigan ng Capiz kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang barangay elections at mag-appoint na lamang ng mga hahaliling opisyal.
Napag-alamang naghain na ng panukalang batas sa Kamara si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers hinggil sa pagpaliban ng barangay elections sa Oktubre.
Ayon pa sa kaniya, may mga tauhan na sila sa barangay na isinailalim sa background checking upang masiguro na magiging karapat-dapat sila sakaling sila ang irekomenda.
Subalit sa ngayon ay wala pa aniya silang natatanggap na direktiba hinggil dito kung kaya’t nakatutok muna sila ngayon sa pagpalaganap ng impormasyon hinggil sa isinusulong na Federalismo.