-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Isinalaysay sa Bombo Radyo Roxas ng isang public school teacher kung paano nahikayat na ma-invest sa FOREX investment scheme.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay alyas Mae, sinabi nito na wala itong planong mag-invest sa nasabing investment scheme, dahil sa mga negative feedback na narinig.

Ngunit nagbago lamang ang kanyang isip matapos na mismong ang kaibigan nito ang naghikayat sa kanya at araw araw na tinatawagan para i-follow-up ang kanyang desisyon.

Dahil dito ay napilitan na magloan ang guro at mangutang sa kanyang mga kamag-anak para makabuo ng P100,000 at makapag-invest sa FOREX investment.

Nakatanggap rin diumano ng tseke si Mae ngunit nadismaya ng malaman na sarado na ang account ng recuiter na si Lourdes Baarde ng pumunta sa banko.

-- ADVERTISEMENT --

Masama ang loob ng guro dahil, hindi na nito makontak si Baarde at kailangan pa nitong bayaran ang inutang na pera.