-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY–Kailangang ituloy ang 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin kasunod ng plano ni Pang. Rodrigo Duterte na muling ipagpaliban ang eleksiyon.

Aniya, kung hindi matutuloy ngayon ang eleksiyon may posibilidad na maaaring hindi rin matuloy ang midterm elections sa 2019.

Idinagdag pa nito na sakaling pagbigyan ulit ang hiling ng presidente baka mamihasa na ito at magbibigay daan sa awtoritarismo.

Samantala, bilang kasapi ng ‘Magnificent 7’ sa Kamara, hindi rin ito sang-ayon sa plano na mag-appoint na lamang ng mga barangay officials na hahalili sa mga incumbent officials na magtatapos ang termino ngayong taon dahil may posibilidad aniya na mga kaalyado lamang ng pangulo ang mailalagay sa pwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Naninindigan rin si Villarin na kapag pinairal ang ganitong sistema, hindi na masasanay ng mga mamamayan ang kanilang karapatan na makapili ng nais nilang mamuno sa bayan.