-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Bagama’t tutol sa pagpapaliban ng barangay elections, malaki naman ang paniniwala ni Capiz 1st District Rep. Emmanuel Billones Sr. na lulusot sa mababang kapulungan ng Kongreso ang isinusulong na panukala para rito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Billones, may sapat na bilang ng tagasuporta sa Kamara ang administrasyon kaya hindi malayo na maaprubahan agad ang panukala ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.

Gayunpaman, tiniyak ni Billones na sisikapin pa rin nilang harangin ito kasama ang tinaguriang Magnificent 7 sa Kamara.

Plano ni Billones na magkampanya sa kanyang kapwa mambabatas at kumbinsihin ang mga ito na tutulan ang pagpapaliban ng halalan sa barangay.

Paliwanag ni Billones, isang pagbalewala sa demokrasya ang pagpapaliban sa halalan at sa halip pagtatalaga na lang ng pangulo ng mga bagong opisyal sa barangay.

-- ADVERTISEMENT --