-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Sinampahan na ng kasong estafa ang isang illegal recruiter na naaresto sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 6 sa Barangay Banica, Roxas City.

Isinampa ang nasabing kaso sa pamamagitan ng inquest proceeding sa City Prosecutor’s Office.

Kasalukuyang nakapiit sa bilangguan ang suspek na si Kennedy Botavara, 56-anyos ng Barangay Pinay, Mambusao.

Kung maaalala, humingi ng tulong sa CIDG ang isang Sidney Amane matapos hindi tinupad ng suspek ang pangakong tutulungan ito sa kanyang Apprenticeship on Board Training hanggang international apprenticeship kapalit ng malaking pera na hiningi sa kanya.

Matapos ang matagumpay na entrapment operation ay magkasunod na dumating sa police station ang pitong iba pa na naging biktima ni Botavara.

-- ADVERTISEMENT --