-- ADVERTISEMENT --
JAMINDAN, CAPIZ – Pormal nang sinimulan ngayong araw ang KASANGGA Army Program sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa Camp General Macario Peralta Jr., Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Captain Jessie Jun Ebalan, hepe ng 3rd Infantry Division Public Affairs Office, sinabi niyang ang naturang programa ay bahagi ng taunang bilateral defense training exercises sa pagitan ng dalawang hukbo mula sa Pilipinas at Australia.
Ayon kay Ebalan, ang programa ay binubuo ng iba’t ibang serye at uri ng pagsasanay na tatagal ng isang buwan.