TOKYO, Japan — Kung gusto mong may makausap na mas may karanasan sa buhay, makakain ng masarap na lutong-bahay, o may makasama lang para makapagbigay ng payo, may serbisyo na para diyan sa Japan — ang OK Grandma!
Isang kumpanya sa Japan na tinatawag na Client Services ang nag-aalok ng kakaibang serbisyo: maaari kang magpaupa ng isang lola, edad 60 hanggang 94, sa halagang 3,300 yen (₱1,300) kada oras.
Ang Client Services, na itinatag noong 2010, ay kilala sa kanilang mga “convenience services” gaya ng paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng bata o alaga, at kahit pagpapadala ng tao para mag-sorry o mag-resign sa trabaho para sa iyo. Pero ang pinakapopular nilang alok ay ang OK Grandma, o kilala rin bilang OK Oppa-Chan, na sinimulan noong 2012.
Mahigit 100 mga lola ang nagtatrabaho sa serbisyo — mga mayamang karanasan sa buhay, bihasa sa pagluluto, gawaing-bahay, pakikitungo sa tao, at pagbibigay ng payo mula sa kanilang pinagdaanan.
Depende sa pangangailangan, pipili para sa iyo ang kumpanya ng tamang lola: may mga bihasa sa mga tradisyunal na lutong-hapones, may dalubhasa sa paglilinis o pagbabantay ng bata, at mayroon ding mahusay magbigay ng payo o makinig lang sa mga problema mo.
Isa sa mga kliyente ang nagsabi:
“I want to break up with my boyfriend, but I can’t tell him clearly, so I want my grandmother to come with me.”
Isa pa’y nagkwento:
“I don’t have enough relatives for my wedding, so I want you to attend as a family member.”
Para makapagpaupa ng lola, kailangan lamang magbayad ng base fee na 3,300 yen ($23) kada oras, dagdag ang pamasahe at iba pang gastusin habang kasama ang lola.
Sa OK Grandma, hindi lang serbisyo ang makukuha mo, kundi init at karanasan ng isang tunay na lola.