-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Patay ang 50-anyos na lalaki na may kasong frustrated homicide matapos barilin ng mga suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo sa Barangay Balatucan, Panit-an, Capiz.

Patungo sana sa lungsod ng Roxas ang biktima na si Arnold Duron para dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso nang tambangan ng apat na mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Unang binaril ng mga suspek ang kadena ng motorsiklo kasunod ang paa ng kaibigan ng biktima na siyang nagmamaneho ng motor.

Matapos natumba ay kaagad na nilapitan ang biktima at pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol.

Nagtamo ng anim na patal na sugat sa katawan si Duron na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

-- ADVERTISEMENT --