-- ADVERTISEMENT --
ROXAS CITY – Nasa kustodiya na ng Intelligence Section ng Police Regional Office (PRO-6) ang isang mataas na leader ng New Peoples Army o NPA na boluntaryong sumuko sa pulisya sa Barangay Jagnaya, Jamindan, Capiz.
Ito ang kinilala na si Julio Llanes alyas ‘Ka Pablo Llanes’ na dating squad leader ng Central Front Committee ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA).
Nabatid na ang grupo na pinamumunuan ni ‘Ka Pablo’ ang umiikot sa mga bayan ng Tapaz, Jamindan, at iilang bayan sa Northern Iloilo.
Nalaman rin na si ‘Ka Pablo’ ay kabilang sa ‘Top Most Wanted’ na listahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) dahil nahaharap ito sa 3 counts sa kasong murder.