HONG KONG – Habang patuloy na inaapula ng mga bumbero ang natitirang apoy sa Wang Fuk Court nitong Huwebes ng umaga, isang 65-anyos na residente na si Mr. Ho ang nakitang nakatayo sa likod ng police line, tahimik na pinagmamasdan ang nasunog na mga gusali at iniisip ang kanyang magiging kalagayan matapos ang trahedya.
Si Ho, na nakatira sa Block 1 sa silangang bahagi ng complex, ay nagsabing masuwerte siyang nakaligtas at dahil hindi agad napuruhan ang kanilang gusali sa unang bugso ng sunog.
“I heard a fire alarm in my building at around 3 p.m. and when I looked outside I saw Block 6 on fire,” pahayag niya. Agad niyang nilisan ang kanyang unit sa ika-11 palapag nang walang nadalang gamit. Sa loob lamang ng halos 30 minuto, nakita niyang mabilis na nadamay ang Blocks 5 at 7, kasunod ang Block 4, hanggang sa umabot na rin ang apoy sa Block 1.
Hanggang nitong Huwebes ng umaga ay hindi pa nakababalik si Ho sa kanyang apartment at nangangamba siyang tuluyan na itong nasira. Balot lamang sa microfiber towel mula sa isang kalapit na shelter, tumingala siya sa direksiyon ng kanyang unit at nagpahayag ng mabigat na pangamba sa posibleng dami ng mga nasawi.
“I don’t doubt many elderly, cats and dogs are still in there,” aniya.











