-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Tiniyak ng “Magnificent 7” sa Kamara na kanilang hahadlangan ang inihain na panukalang batas ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers na muling ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Oktubre sa pagbubukas ng session sa Mayo 2, 2017.

Siniguro ni Capiz 1st District Rep. Emmanuel Billones Sr., na muli nilang ikakampanya sa mga kasamahang kongresista ang pagtutol sa nasabing panukala na aniya’y walang magandang maidudulot sa bayan.

Kung pahihintulutan itong mangyari ayon sa kongresista, parang binalewala na ang demokrasya sa Pilipinas.

Mas mainam aniya na matuloy ang barangay election sa Oktubre para mailagay sa pwesto ang mga barangay officials na ibinoto ng mga tao.

Ayon kay Billones, mahalagang mapakinggan ang boses ng taongbayan dahil sila ang mas nakakaalam kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa kanilang barangay.

-- ADVERTISEMENT --