ROXAS CITY – Apektado na rin ng matinding init ng panahon ang mga palayan sa ilang bayan sa lalawigan ng Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Edilyn Daradar, isang magsasaka sa bayan ng Panit-an, nitong lalawigan, nakatakda sana sa katapusan ng Marso ang kanilang 3rd cropping ngunit wala na halos silang mapakikinabangan sa kanilang itinanim na palay dahil sa epekto ng tagtuyot.
Noong Disyembre pa aniya nang nakaraang taon nang huling naulanan ang kanilang sakahan at sa pagpasok ng taong 2019 ay naramdaman na ang matinding init ng panahon.
Dahil dito ay umaapela ngayon ng tulong ang ilang magsasaka sa gobyerno dahil nakadepende lamang ang kanilang pamumuhay sa pagsasaka.
Matandaan nga sang nakaligad nga bulan sang Pebrero, nagpaguha sang advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nga makabatyag sang kasarangan nga epekto sang El Niño ang pila ka mga lugar sa pungsod.