-- ADVERTISEMENT --

Pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang magkakaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy–Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw ng trading, may nakikitang mixed movements sa magiging presyo ng langis.

Tinatayang magiging pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo ay ang mga sumusunod:

Gasolina – posibleng tumaas ng humigit-kumulang P0.50 kada litro

Diesel – posibleng bumaba ng humigit-kumulang P0.70 kada litro

-- ADVERTISEMENT --

Kerosene – posibleng bumaba ng humigit-kumulang P1.00 kada litro

Kabilang sa mga salik na nakaapekto sa galaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan ng langis ang binanggit ng DOE official.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na price adjustment tuwing Lunes, na ipinatutupad kinabukasan.

Noong Martes, Agosto 12, nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis: P0.40 kada litro sa gasolina, P1.50 sa diesel, at P1.30 sa kerosene.