ROXAS CITY – Nagpangayo sang paghangup sa mga resipyente sang presidential financial assistance (PSA) ang Department of Social Welfare and Development Undersecretary dahil muling maaantala ang pagrelease ng P5,000 na tulong ng gobyerno.
Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Usec Hope Hervilla, sinabi nito na hindi inaasahan ang ilang aberya sa validation ng mga pangalan na kasama sa listahan at pagproseso ng cash card sa banko.
Ngunit pinasiguro ni Hervilla na komitado ang ahensiya sa pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan na mga Filipino.
Maliban sa mga Yolanda victims, prayoridad rin sa ngayon ng DSWD ang pagtulong sa mga bakwit na nasa evacuation center na umalis sa kanilang bahay para makaiwas sa nagpapatuloy na labanan ng militar at maute terror group sa Marawi City.
Matandaan na sinabi ni Hervilla na posible matanggap ng mga benepisyaryo ang P5,000 na PSA bago matapos itong buwan ng Hunyo o sa buwan ng Hulyo, ngunit posible na maantala naman ito dahil ilang araw na lamang at magtatapos na ang buwan ng Hunyo.