-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY–Inaasahan na tatalakayin sa isasagawang National Assembly ng Pambangsang Liga ng mga Barangay ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang Barangay Elections at mag-appoint na lamang ng mga hahaliling opisyal sa barangay.

Ito ang inihayag ng regional president ng Liga sa Western Visayas na si Punong Barangay Lyndon John Lignig ng Barangay Abaca, Tobias Fornier, Antique.

Ayun sa kaniya isasagawa ang National Assembly Meeting sa Abril 4 hanggang 6 sa Metro Manila.

Samantala, naniniwala si Lignig na hindi magiging ganap ang demokrasiya ng bansa kung magtatalaga lamang ng uupong opisyal ang pangulo ng bansa at mawawalan ng karapatang bumoto ang taong bayan.

Binigyang diin rin ni Lignig na sakaling magtalaga ang pangulo ng barangay official, may posibilidad umano na ang pangulo lamang ang paglilingkuran nito at hindi ang taong bayan.

-- ADVERTISEMENT --