-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Maituturing na unconstitutional o iligal ang pagtalaga ng magsisilbing caretaker sa barangay, lalo na kung existing pa ang mga opisyal ng barangay.

Ito ang naging reaksyon ni Mr. Lindin John Lignig, Liga ng mga Barangay president sa Western Visayas, kasunod ng plano ni President Rodrigo Duterte na muling ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections sa darating na Oktubre.

Sinabi nito na walang basehan ang pag-appoint ng isang local chief executive ng isa pang local chief executive sa barangay na kasalukuyang nasa puwesto, dahil salungat ito sa Saligang Batas.

Maaari lamang itong mangyari kung unoperational na ang konstitusyon at hindi maganda ang nangyayari sa bayan.