-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Kinondena ng kaalyado ni Vice-President Leni Robredo ang pagpakalat ng mga posters sa lungsod ng Roxas na nanawagan na ma-impeach ang pangalawang pangulo.

Sinabi ni City Councilor Powell Del Rosario na dismayado ito sa mga taong nakikiisa sa pagpapalala ng problema ng bansa dahil sa pagpapalaganap ng maling impormasyon.

Napag-alaman na sa nasabing posters, pinapanawagan ang pag-impeach kay Robredo dahil sa krimeng treason.

Ayon pa kay Del Rosario na isa ring abogado na walang nagawang krimeng treason si Robredo.

Hinikayat rin nito ang mga tao na responsable sa nasabing gawain na direktang ipaabot sa mga kongresista ang kanilang panawagan at hindi sa lungsod ng Roxas.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si Del Rosario na kailangang suportahan ang administrasyon upang mapaunlad ang bansa ngunit kailangan rin aniyang tumulong ang sambayanan tungo sa pagkakaisa.

Mapag-alamang ang Roxas City ay sinasabing balwarte ng Liberal Party dahil dito nanggaling si dating interior secretary Mar Roxas na mahigpit na katunggali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraang halalan.