-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Matatanggap na ng mga 4Ps members ang rice subsidy ng gobyerno na P600 ngayong buwan ng Marso.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Hope Hervilla, sinabi nito na asahan ngayong buwan matatanggap na ng mga aktibong benepisyaryo ng 4Ps ang karagdagang subsidiya ng gobyerno para masiguro na may pambili ng bigas ang bawat pamilya.

Naatasang mag-monitor ang mga parent leader at municipal link supervisors kung saan layunin ng programa na matulungan ang bawat pamilyang pilipino.

Kasabay nito ay nagpaalala si Hervilla sa mga 4Ps beneficiaries na hindi na aktibo o wala na sa listahan ng DSWD matapos hindi sumunod sa kondisyon ng ahensiya na hindi na sila kwalipikado para sa rice subsidy ng gobyerno.

Ngunit maaaring magparehistro sa financial assistance sustainable livelihood program ng DSWD para mabigyan ng kapital sa pagsimula ng negosyo.

-- ADVERTISEMENT --