-- ADVERTISEMENT --

Narekober ng mga awtoridad sa Taal Lake ang isang sako na naglalaman ng mga buto na aalamin kung sa tao o hayop ito nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), narekober ang mga buto habang nagsasagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lawa para sa plano nitong surface assessment.

Isasailalim ang mga butong ito sa isang DNA test upang makita kung tumutugma ang mga ito sa isa sa mga nawawalang sabungero.

Una rito, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa Biyernes ay sisimulan na nila ang pormal na paghahanap sa mga labi ng nawawalang sabungero kung hindi lumala ang lagay ng panahon.

Nauna nang inihayag ni Justice spokesperson Mico Clavano na kumpiyansa ang departamento na mababawi ang mga bangkay kung ang nawawalang sabungero ay itinapon sa Taal Lake noong 2021 at 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy ang imbestigasyon kung may kaugnayan ito sa kaso ng mga nawawalang sabungero.