-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang barangay kagawad at 19-anyos na binata sa nangyaring pamamaril at pananaga sa Barangay New Guia, Maayon, Capiz.

Ayun sa imbestigasyon ng Maayon PNP, magkasamang nag-inuman ang mga namatay na sina barangay kagawad Ruperto Dumu-os Jr. at Angelo Dunton Jr. bago mangyari ang insidente.

Nagkainitan umano ang dalawa at binantaan ni Dunton si Dumu-os na kukuha siya ng baril.

Pagbalik ni Dunton ay una itong binaril ni Dumuos ngunit nakita ito ng kanyang ama na si Angelo Dunton Sr. kaya’t tinaga rin nito ang kagawad.

Pawang nagtamo ng malubhang sugat ang dalawa na dahilan ng kanilang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang nakakatandang Dunton ilang oras matapos ang insidente.