-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY– Dumulog na sa doktor ang pamilya ng isang 23 anyos na dalaga sa lalawigan ng Capiz para masuri ang kanyang kalagayan dahil sa pagkakaroon ng dalawang ari o sex organ.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa ina ni alyas Jane, matagal nilang itinago ang kalagayan ng anak ngunit napilitan silang isangguni ito sa doktor ngayon dahil sa naramdaman nitong sakit sa kanyang tiyan.

Ayon sa ina, kahit 23 anyos na ang kanyang anak, hindi pa rin ito nagkakaroon ng menstruation o buwanang dalaw.

Pahayag ng ina, isinilang na babae si alyas Jane ngunit habang lumilipas ang panahon humuhugis lalaki ang katawan nito.

Kaya umano ng kanyang anak na magbuhat ng mga mabibigat na gamit na hindi kaya ng isang ordinaryong babae.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman ang pamilya na maisailalim sa masusing pag-aaral ang kondisyon ng dalaga at malaman ang kanyang totoong kalagayan.