-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang illegal recruiter kasunod ng entrapment operation na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 6 sa Barangay Banica, Roxas City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang 56-anyos na suspek na si Kennedy Batavara ng Barangay Pinay, Mambusao, Capiz, at nakatakdang sampahan ng kasong illegal recruitment at large scale estafa ng mga complainant na naging biktima ng kanyang pangakong napako.

Humingi ng tulong sa CIDG ang nagngangalang Sidney Amane para madakip si Batavara na hindi tumupad sa pangako na tutulungan ito sa kanyang local Apprenticeship on Board Training hanggang international apprenticeship sa Nautica Training Incorporated and G&L Ship Managment.

Nagkasundo ang dalawa na ibibigay ni Amane ang kalahati ng perang hinihingi ng suspek sa isang bahay sa Barangay Banica.

Nagulat na lamang si Batavara nang biglang maglabasan ang mga pulis sa paligid kasabay ng pagtanggap niya ng pera mula kay Amane.

-- ADVERTISEMENT --