-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Kumakalat ngayon sa lungsod ng Roxas ang mga poster na may nakasulat na “Impeach Leni Robredo for the Crime of Treason.”

Karamihan sa nasabing mga posters ay makikita sa mga poste ng koryente sa mga barangay sa Roxas City.

Marami ang naniniwala na pakana ito ng mga grupong galit sa bise presidente sa komento na ginagawang palit ulo ng Duterte administration sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na kung sino ang nasa likod sa pagpapakalat ng nasabing poster.