-- ADVERTISEMENT --
Muling naghain ng impeachment complaint ang mga progresibong grupo laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng alegasyong betrayal of public trust.
Inendorso ang naturang reklamo ng Makabayan bloc sa Kamara de Representantes, na naglalaman ng mga paratang ng umano’y mismanagement ng pondo.
Ito ang unang impeachment complaint na inihain matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang mga naunang naisumiteng reklamo.











