ROXAS CITY – Paglabag sa saligang batas ang hindi pagsagawa ng eleksyon at sa halip ay pag-appoint ng uupong officer-in-charge sa mga barangay positions.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Atty. Wil Arceño, national president ng Provincial Election Supervisor Association of the Philippines (PESAP) at provincial election supervisor sa lalawigan ng Capiz, sinabi nito na walang legal na basehan ang pag-appoint sa sinuman at anuman na posisyon sa barangay dahil kailangan ang eleksyon.
Ngunit maaaring lumikha ng panibagong posisyon sa barangay sa tulong ng kongreso, subalit hindi matatawag na barangay kapitan ang lilikhaing posisyon, dahil hindi sila sumailalim sa eleksyon.
Kung susundin ang legal na proseso walang basehan ang appointment at pagpalawig lamang ng termino ang pinakamabisang paraan para sa nasabing isyu.