-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na handa ang Pilipinas na bawasan o alisin ang buwis (taripa) sa ilang produkto mula sa Estados Unidos.

Ito ay bilang sagot sa ipinataw na 20% taripa ni US President Donald Trump sa mga produktong galing sa Pilipinas.

Ayon kay Recto, bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang makabuo ng maayos na kasunduan sa Amerika. Hindi pa niya tinukoy kung anong mga produkto ng Amerika ang tatanggalan ng taripa.

Sa ngayon, nasa Amerika si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makipagpulong kay Pangulong Trump, at isa sa inaasahang tatalakayin nila ay ang isyu ng taripa sa kalakalan