-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Patay ang 35-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Talon, Roxas City.

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Ronald Borbon ng Barangay Balijuagan, Roxas City.

Nagpapatuloy sa hot pursuit operation ng Roxas City PNP para maaresto ang suspek na kaagad tumakas matapos ang krimen.

Iniimbestigahan rin ng pulisya ang report na isang drug surrenderee ang biktima.