-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Malaki ang paniniwala ng kongresista sa premier district ng Capiz na paghihiganti ang motibo ng secretary-general ng civil society group na Council of Philippine Affairs (COPA) sa pagsumite ng mga dokumento sa Department of Justice (DOJ) laban sa Aquino administration.

Ayon kay Congressman Emmanuel Billones Sr., dahil hindi napagbigyan ang hinihinging pabor ni COPA Sec.-Gen. Pastor Boy Saycon sa Aquino administration noon, nagbanta ito na ilalabas ang dokumento na anomalya raw ng nagdaang administrasyon.

Tinawag din ng kongresista na Influenced Hitler si Saycon dahil hindi lamang si dating Presidente Benigno Aquino III ang pinuntirya niya, kundi maging sina dating Presidente Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.