-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Kaagad na tumawag sa tanggapan ng Ivisan Municipal Police Station ang alkalde ng bayan ng Ivisan, Capiz upang iturn-over ang isang sachet ng shabu na napulot umano ng isang pedicab driver.

Ito ang inihayag ni Police Captain Leomindo Tayupon nang makapanayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Tayupon, nakatanggap sila ng tawag mula kay Mayor Felipe Neri Yap patungkol sa napulot na shabu na may bigat na limang gramo at may market value na umaabot sa P25, 000.

Hindi na umano pinangalanan pa ng alkalde ang nakapulot na pedicab driver.

Kaagad naman itong sinuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kinompirmang positibo ito sa Methamphetamine.

-- ADVERTISEMENT --