-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis na simula bukas, Martes, Agosto 19, 2025, tataas ang presyo ng gasolina habang muling bababa ang presyo ng diesel at kerosene sa ikalawang sunod na linggo.

Magtataas ng ₱0.60 kada litro sa gasolina, habang magpapatupad ng bawas na ₱0.80 kada litro sa diesel at ₱0.90 kada litro sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahan na ang pagtaas sa gasolina at rollback naman sa diesel at kerosene dahil sa pagtaas ng suplay, paghina ng pandaigdigang demand, at pagluwag ng tensyon sa kalakalan ng US at China.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad din ng bawas-presyo na ₱0.40 sa gasolina, ₱1.50 sa diesel, at ₱1.30 sa kerosene ang mga kumpanya ng langis.