-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Kumakalat ngayon sa mga bayan sa lalawigan ng Capiz ang recruitment posters ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nakasulat sa kanilang posters na mula sa tinaguriang Nonito Aguirre Sr. Command-NPA Eastern Panay ang mga salitang “Magpatapu sa New People’s Army” o ang paghihikayat na magpa-miyembro sa New People’s Army.

Maliban sa ipinakalat na mga recruitment posters, may ginagawa ring vandalism ang mga ito sa ilang mga pader at dingding ng gusali sa lungsod ng Roxas kabilang na ang kapitolyo na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa kanilang tinatawag na militarisasyon, panawagan ng suporta sa peace talks at pagkondena sa pagpaslang sa kanilang itinuring na mga sibilyan sa sagupaan laban sa militar.

Sa monitoring ng militar, nagsimula ang pagpapakalat ng propaganda materials ng mga rebelde SA anibersaryo ng NPA.