-- ADVERTISEMENT --
Pasok sa listahan ng Taste Atlas ng 100 Best Porridges in the World ang tatlong klasikong Pinoy porridge: arroz caldo (2nd), lugaw (9th), at champorado (19th).
Ayon sa Taste Atlas, ang arroz caldo ay Filipino version ng congee na hinaluan ng impluwensiyang Kastila at kadalasang kinakain bilang almusal o tanghalian. Maging si Hollywood star Drew Barrymore ay humanga rito, aniya, may “so much flavor.”
Ang lugaw naman ay simple rice porridge, habang ang champorado ay matamis at tsokolate ang lasa.
Nanguna sa listahan ang Indonesia’s bubur ayam.