-- ADVERTISEMENT --

ROXAS CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang mag-asawa matapos na saksakin ng mister ang kaniyang misis bago sinaksak ang sarili sa Barangay Goce sa bayan ng President Roxas, Capiz.

Ayon sa imbestigasyon ng President Roxas PNP, nagkaroon ng hindi pagkaunawaan ang mag-asawa kung kaya’t nasaksak ng mister na si Rodolfo Barros nang makailang beses ang kaniyang misis na si alyas Mariel.

Sa pag-aakala ni Rodolfo na napatay niya ang asawa ay sinaksak rin nito ang kaniyang sarili sa tiyan.

Kaagad na dinala ng mga residente si Mariel sa Bailan District Hospital sa bayan ng Pontevedra, samantala sa Roxas Memorial Provincial Hospital lungsod naman isinugod si Rodolfo.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung may iba pang motibo ang mister sa pagsaksak sa kaniyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --