-- ADVERTISEMENT --
Ipinalabas ni Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado ukol sa deepfake pornography ang video ng pagkakaaresto sa Amerikanong pugante na si Thomas Scheuer sa Cebu ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.
Si Scheuer ay wanted ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kasong possession of child sexual abuse and exploitation materials.
Ibinunyag din ni Hontiveros na, batay sa alegasyon at pananaliksik ng kanyang opisina, posible ring nasangkot si Scheuer sa pang-aabuso sa sarili niyang anak na babae.
Giit ng senadora, nakapandidiri na malayang nakakagala sa bansa ang mga tulad niyang kriminal at iginiit ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa mga banyagang may kasong sexual abuse.