-- ADVERTISEMENT --

Naganap ngayong araw ang ASEAN Senior Officials’ Meeting sa Cebu bilang paghahanda para sa nalalapit na ASEAN Foreign Ministers’ Retreat.

Tinalakay sa pulong ang mga prayoridad at mahahalagang layunin ng Pilipinas bilang kasalukuyang Chair ng ASEAN, upang higit na mapalakas ang pagbuo ng ASEAN Community at patatagin ang ugnayang panlabas ng ASEAN, alinsunod sa temang “Navigating Our Future, Together.”

Dumalo sa pulong ang mga lider ng ASEAN Senior Officials at ang Deputy Secretary-General ng ASEAN para sa ASEAN Political-Security Community, na nagbigay ng kanilang mga pananaw at suporta sa mga hakbang ng Pilipinas sa pamumuno sa samahan.