ROXAS CITY – Kinumpirma ng hepe ng Panay PNP na pinapagamit ng iligal na droga ng drug personality na guro ang mga estudyante kapalit ng paggamit niya sa mga ito.
Ayun kay Senior Inspector Romeo Mallari, matagal ang ginawa nilang monitoring sa aktibidad ng nasabing guro hanggang nagpositibo ito sa pagtutulak ng shabu kaya nagsagawa sila ng drug bust operation.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na pinapagamit ng suspek ng droga ang mga estudyante ngunit kapalit nito ay ang kanilang sarili.
Napag-alaman na sa Roxas City ito kumukuha ng suplay ng iligal na droga at binibenta sa mababang presyo sa bayan ng Panay.
Sa pag-aalala ng pulisya na marami pang mga estudyante ang maging biktima ng guro, ay kaagad silang nagsagawa ng drug bust operation para matigil na ito sa iligal na gawain.
Nakakulong na si Burata sa karsel ng Panay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.